Inilabas noong Abril 17, 2024
May bisa simula Mayo 17, 2024
Ang TikTok ay isang lugar kung saan ka puwedeng magbahagi o maghanap ng impormasyon tungkol sa mga kinokontrol na produkto o komersyal na aktibidad. Para matiyak na nakapagbibigay kami ng lugar kung saan ka puwedeng matuto nang walang pisikal o pinansyal na panganib, kinokontrol namin ang content na may mga produkto o aktibidad na posibleng mapanganib, nakakahumaling, delikado, mapanlinlang, o nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iingat. Para sa ilang produkto at serbisyo (gaya ng pagsusugal at pag-inom ng alak), gumawa kami ng mga limitadong eksepsyon para sa mga may bayad na advertisement ng mga advertiser na may malinaw na pahintulot mula sa TikTok, kung sumusunod ang mga ito sa lahat ng nauugnay na paghihigpit sa pagta-target sa edad, batas, at regulasyon (alamin pa ang tungkol sa aming patakaran sa pag-advertise).
Maraming tao sa mundo ang naaaliw sa mga game of chance. Alam naming ang pagsusugal ng pera sa isang laro o sa tayaan ay posibleng humantong sa potensyal na pinsala sa ilang tao, kabilang ang malubhang pagkalugi o mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Hindi namin pinapayagan ang pagbibigay-daan o marketing ng sugal o mga aktibidad na parang sugal.
Kinikilala rin naming mailalagay ng pagsusugal ang mga kabataan sa mas malaking panganib at posibleng hindi ito naaangkop para sa lahat ng audience. Ang content ay may limitasyon (18 taong gulang pataas) at hindi kwalipikado para sa FYF kung nagpapakita o pumupuri ito ng sugal o mga aktibidad na parang sugal.
Karagdagang impormasyon
Ang pagsusugal ay pagtaya ng pera (kabilang ang mga digital na currency gaya ng bitcoin) o bagay na may katumbas na halaga ng pera sa isang kaganapan na walang kasiguruhan sa kalalabasan, para kumita.
Tumutukoy ang mga aktibidad na parang pagsusugal sa mga aktibidad na hindi kaantas ng pagsusugal, pero katulad ang pagkilos at may mga kaakibat na katulad na panganib, gaya ng mga social casino at software kaugnay ng pagsusugal.
HINDI PINAPAYAGAN
MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)
HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF
PINAPAYAGAN
Bagama’t gumagawa ang mga nasa hustong gulang ng kanilang personal na desisyon pagdating sa pagkonsumo ng alak, mga droga, at tabako, alam namin na may mga panganib na nauugnay sa pagbebenta at paggamit ng mga substance na ito. Hindi namin pinapayagan ang kalakalan ng alak, mga produktong tabako at droga. Hindi rin namin pinapayagan ang pagpapakita, pagmamay-ari, o paggamit ng mga droga.
Kinikilala rin namin na ang paggamit ng mga substance na ito ay magdudulot sa kabataan ng mas mataas na panganib ng pinsala. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita o pagpo-promote ng kabataan na mayroon o kumokonsumo ng alak, mga produktong tabako, at droga.
Ang content ay may limitasyon (18 taong gulang pataas) at hindi kuwalipikado para sa FYF kung nagpapakita ito ng mga nasa hustong gulangna kumokonsumo ng mga produktong tabako o labis na alak.
Alamin pa ang tungkol sa paggamit ng mga substance at maghanap ng impormasyon para sa mapagkukunan ng paggamot, suporta, at paggaling.
Karagdagang impormasyon
Kabilang sa mga produktong tabako ang mga produkto para sa vaping, smokeless o combustible na produktong tabako, synthetic na produktong nicotine, e-cigarette, at iba pang Electronic Nicotine Delivery System.
Kasama sa mga kinokontrol na substance ang mga inireresetang gamot, mga gamot na nabibili sa reseta, mga compressed air canister (whippets), at nitrite poppers.
HINDI PINAPAYAGAN
MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)
HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF
PINAPAYAGAN
Ang TikTok ay isang lugar kung saan ka puwedeng magbahagi o maghanap ng impormasyon tungkol sa responsableng paggamit at pagmamay-ari ng mga armas, at nauugnay na potensyal na lubhang makapinsala. Ang mga baril at pampasabog na armas ay puwedeng magdulot ng matinding pinsala o kamatayan, lalo na kapag ginamit sa hindi ligtas na paraan. Hindi namin pinapayagan ang kalakalan o marketing ng mga baril o pampasabog na armas, o content na nagpapakita o nagpo-promote nito kung hindi ginagamit ang mga ito sa ligtas at angkop na tagpo.
Karagdagang impormasyon
Kabilang sa mga baril ang mga baril na ginawa ng mga propesyonal na manufacturer, improvised na baril (gaya ng mga ghost gun o 3D printed na baril), mga accessory ng baril, at mga bala.
Kasama sa mga ligtas o angkop na setting ang mga propesyonal na konteksto (gaya ng sa militar at pulis), mga lugar para sa libangan (gaya ng mga shooting range at pangangaso), mga pang-edukasyong konteksto, at kathang-isip na setting.
HINDI PINAPAYAGAN
Kadalasang may mahalaga at kinakailangang papel ang mga kinokontrol na produkto at serbisyo. At mahalagang maintindihan na may dahilan kung bakit kinokontrol ang mga bagay na ito. Ang TikTok ay hindi lugar para sa ilegal na trapiko o kalakalan, at hindi rin ito isang hindi opisyal na merkado (Black o Gray market). Hindi namin pinapayagan ang kalakalan o marketing ng mga produkto at serbisyong napapailalim sa regulasyon, ipinagbabawal, o may malaking panganib. Kasama rito ang mga alak, produktong tabako, kinokontrol na substance, baril at iba pang mapanganib na armas, sekswal na serbisyo, hayop, pekeng produkto, at instruksyon sa kung paano gumawa ng mga kinokontrol na substance o baril.
Karagdagang impormasyon
Kasama sa kalakalan ang pagbebenta, pagbili, pag-redirect, palitan, at pamimigay ng mga produkto at serbisyo. Kasama rito ang pagbibigay ng mga webpage o pisikal na lokasyon, pagbabahagi ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at pagre-redirect sa mga tao na makipag-ugnayan sa loob o labas ng plataporma (kabilang ang direktang pagmemensahe).
Kabilang sa mga produktong tabako ang mga produkto para sa vaping, smokeless o combustible na produktong tabako, synthetic na produktong nicotine, e-cigarette, at iba pang Electronic Nicotine Delivery System.
Kasama sa mga kinokontrol na substance ang mga inireresetang gamot, mga gamot na nabibili sa reseta, mga compressed air canister (whippets), at nitrite poppers.
Kabilang sa mga baril ang mga baril na ginawa ng mga propesyonal na manufacturer, improvised na baril (gaya ng mga ghost gun o 3D printed na baril), mga accessory ng baril, at mga bala.
HINDI PINAPAYAGAN
Pinapahalagahan namin ang mga tunay na pananaw at gusto naming maging bukas at tapat ang mga talakayan sa TikTok tungkol sa mga produkto at serbisyo. Para maiwasang manlinlang ng mga tao, mahalagang kilalanin ang anumang esensyal na relasyon na posibleng may kaugnayan sa kredibilidad ng mga pahayag mo. Kung nagma-market ka ng negosyo, produkto, o serbisyo, dapat mo itong ibunyag gamit ang setting ng pagbubunyag ng content</3271>. Kasama rito ang marketing para sa sarili mo, o isang third party na brand, produkto, o serbisyo kapalit ng bayad o iba pang insentibo. Hindi kuwalipikado para sa FYF ang pang-marketing na content kung hindi ito ibinunyag gamit ang setting ng pagbubunyag ng content. Para sa iba pang uri ng mga esensyal na relasyon, kailangan mo ring gumawa ng malinaw na pagbubunyag tungkol sa mga naturang koneksyon.
Hindi namin pinapayagan sa TikTok ang anumang anyo ng may bayad na pulitikal na marketing. Alamin pa ang tungkol sa aming patakaran kaugnay ng mga account ng Gobyerno, Pulitiko, at Pulitikal na Partido.
Karagdagang impormasyon
Ang ibig sabihin ng mahalagang relasyon ay relasyon na posibleng may malaking epekto sa kredibilidad ng anumang representasyon o pag-endorso. Posibleng kasama rito ang mga personal, pampamilya, pantrabaho, at pinansyal na relasyon.
Ang mga pagbubunyag ay malilinaw na pahayag na nagpapaliwanag ng komersyal na katangian ng content mo o ng relasyon mo sa isang third party.
Ang bayad o iba pang insentibo ay puwedeng tumukoy sa mga cash na bayad, libreng produkto, credit sa tindahan, diskuwento, at espesyal na access sa mga produkto, serbisyo, o kaganapan.
KINAKAILANGANG PAGBUBUNYAG (gamit ang setting ng pagbubunyag ng content)
HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF
Gusto naming magamit mo ang TikTok para matuto ng mga paraan para maging pinansyal na responsable at mapag-isipan ang mga pang-ekonomiyang transaksyon at oportunidad sa pamumuhunan, nang hindi nag-aalala tungkol sa mga scam o pinansyal na pananamantala. Hindi namin pinapayagan ang mga pagtatangka na manlinlang o mang-scam ng mga miyembro ng aming komunidad.
Alamin pa ang tungkol sa kung paano makikilala ang mga online scam at protektahan ang sarili.
Karagdagang impormasyon
Ang mga panloloko at scam ay mga mapanlinlang at mapanlokong gawain na kadalasan ay para pagsamantalahan ang iba para kumita ng pera o makuha ang personal na impormasyon ng isang indibidwal.
HINDI PINAPAYAGAN