TikTok LogoTikTok Logo

Mga Patnubay sa Komunidad

Pangkalahatang-ideya

Inilabas noong Abril 17, 2024

May bisa simula Mayo 17, 2024

Ang TikTok ay isang lugar ng libangan at pagkatuto kung saan puwede kang tumuklas, lumikha, at makipagkonekta sa buong mundo. Misyon naming magbigay ng inspirasyong maging malikhain at magbigay ng kasiyahan.

Mayroon kaming Mga Patnubay sa Komunidad para makagawa ng malugod, ligtas, at nakakaaliw na karanasan. Nalalapat ang mga patnubay sa lahat ng tao at sa lahat ng nasa plataporma namin. Kabilang sa mga ito ang mga alituntunin para sa kung ano ang pinapayagan sa TikTok, at mga pamantayan mga pamantayan</Bold> para sa kung ano ang kwalipikado para sa For You feed (FYF). Para matugunan ang mga bagong panganib at pinsala, patuloy naming ina-update ang mga patnubay.

Para tulungan kang basahin ang mga patnubay, isinaayos namin ang mga ito ayon sa saklaw ng paksa at naka-bold ang bawat alituntunin para bigyang-diin ang mga ito. Sa ilalim ng bawat seksyon, pwede mong i-click ang aragdagang impormasyon para sa mga kahulugan, halimbawa, at paliwanag sa mga karaniwang tanong. Hindi sinasaklaw ng mga halimbawa ang lahat (sinasabi namin ito sa iyo ngayon para hindi mo paulit-ulit na basahin ang pahayag na "kasama ang, pero hindi limitado sa"). Kung may pag-aalinlangan ka sa kung ano ang ibabahagi, pakitandaang maging mabuti sa kapwa at pakitunguhan ang iba sa paraang gusto mong pakitunguhan ka ng iba.

Salamat sa pagtulong na mapanatili ang TikTok na isang lugar kung saan tinatanggap ang lahat!

Pag-moderate ng Content

Kailangang balansehin ang malikhaing pagpapahayag at pag-iwas na makapinsala para mapanatiling ligtas, mapagkakatiwalaan, at masigla ang ating plataporma. Gumagamit kami ng kombinasyon ng mga ligtas na paraan para mahanap ang tamang balanse:

Pag-aalis ng content na hindi namin pinapayagan

Ang lahat ng sumasali sa TikTok ay may kakayahan na malayang magbahagi ng content sa plataporma. Gayunpaman, inaalis namin ang content--ito man ay na-post nang pampubliko o pribado--kapag napag-alaman naming lumalabag ito sa aming mga alituntunin.

Paghihigpit ng content na hindi angkop para sa kabataan

Iba't ibang content ang pinapayagan namin sa aming plataporma, pero batid din namin na posibleng hindi naaangkop ang lahat ng ito sa mga mas batang manonood. Nililimitahan namin ang content na posibleng hindi angkop para ang mga nasa hustong gulang lang (18 taong gulang pataas) ang makakakita nito. May buod ng mga kategorya ng may limitasyong content na makikita rito.

Paggawang hindi kwalipikado para sa content ng FYF na hindi nakakatugon sa mga pamantayan namin sa rekomendasyon

Oportunidad ang FYF para makatuklas ng bagong content at makaabot ng mga bagong manonood. Magiging hindi kuwalipikado para sa FYF ang content na hindi nakakatugon sa aming mga pamantayan. May buod ng mga pamantayang ito na makikita rito.

Bigyang-kapangyarihan ang ating komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon, mga tool, at mga sanggunian

Gusto naming siguraduhin na mayroon kang tamang impormasyon para matulungan kang pamahalaan ang karanasan mo sa TikTok. Posible kaming magdagdag ng mga label, "opt-in" screen, o babala para magbigay ng karagdagang konteksto. Makakatulong sa iyo ang aming pangkaligtasang toolkit na i-filter out ang content na may mga partikular na hashtag o komento na hindi ka komportableng makita, at nagbibigay rin kami ng mga kontrol sa account at mga in-app feature na may mga pangkaligtasang sanggunian.