Community Controls

Na-update: September 10, 2024


Ang Community controls ay tumutulong na i-define kung sino ang pwedeng makipag-ugnayan sa iyo o sa iyong content.

Ang mga settings ay maaaring iba-iba depende sa iyong rehiyon at bersyon ng app.

Sino ang maaaring makapanood ng iyong video

Ikaw ang may kontrol sa iyong content. Maaari mong piliin kung sino ang pwedeng makapanood ng iyong video sa iyong page bawat oras na ikaw  ay mag-pa-publish ng video. Maaar mong piliin na gawing visible ito sa iyong sarili lamang o sa  iyong ‘Friends’, o sa buong TikTok Community. Alamin dito

Kontrolin kung sino ang maaaring magpadala ng mensahe sa inyo

Ang Direct Messages (DMs) ang nagbibigay daan sa mga users para makipag-usap ng pribado. Ang Direct Messages ay magagamit lamang sa mga registered accounts na nasa 16 pataas ang user–at isa ito sa mga feature kung saan ang magulang o tagapangalaga ay pwedeng gumamit ng Family pairing para i-restrict o i-turn off ang Direct messages at i-set sa ‘Everyone’, ‘Friends’ (followers that you follow back) o No one’. Alamin dito

Piliin kung sino ang maaaring mag-comment

Ang TikTok ay tumutulong kumonekta sa malawak na komunidad,kung saan ang mga tao ay malayang naihahayag ang kanilang sarili, ngunit pwedeng piliin kung sino ang pahihintulutan mong magkomento. Ang mga komento para sa users na under 16 ay automatic na naka-set sa ‘Friends’ (followers that follow you back). Ang mga users na lagpas 16 ay maaaring piliin ang ‘Everyone’. ‘Friends’ (followers that follow you back) o i-turn off ang kabuuang komento. Kahit ano pa mang option ang iyong piliin, lahat ng komento ay dapat sumunod sa aming Community Guidelines. Alamin dito

Filter comments

Bukod sa mga comment controls, ang TikTok ay nagbibigay din sa users ng abilidad na gumawa ng kanilang comment filters. Mayroong dalawang paraan para mabilis at madaling ma-filter ang komento. Unang option ay automatic na itago ang mga mapanirang komento na makikita ng aming system sa iyong videos; pangalawa ay pwede kang gumawa ng custom list ng keywords para ang mga komento na naglalaman ng mga salitang ito ay automtic na maitatago. Alamin dito

Delete comment

Ikaw ang may kontrol ng iyong content– kabilang na ang mga komento na maaaring ilagay ng mga tao. Pwede mong tanggalin ang mga komento na ayaw mong makita, o i-report ang mga ito sa pamamagitan ng pag-long press sa komento na sa tingin mo ay lumalabag sa Community Guidelines. Alamin dito

I-block ang account

Ang TikTok ay pinahihintulutan kang pigilan ang kahit na sinong makipag-ugnayan sa‘yo o sa iyong content sa kahit ano mang rason. Sa pamamagitan ng pag-block sa user, hindi na nila pwedeng i-view ang iyong content o magpadala sa iyo ng message. Alamin dito

Alisin ang follower

Madaling alisin ang iyong follower. Nangangahulugang ang content mo ay hindi na lalabas pa sa kanilang Following feed. Alamin dito

Sino ang makapanonood ng mga ni-like mong video

Maaari ninyong pigilang makita ng ibang tao ang mag ni-like mong videos. Kapag ginawa mo ito, mananatiling pribado ang iyong content viewing preference (mga video na ni-like mo). Alamin dito

Allow your video to be downloaded

Ang pag-turn off ng video downloads ay nangangahulugang hindi ma-da-download ng kahit sino ang iyong videos sa kanilang device. Ang mga user na under 16 na may private account ay hindi maaaring ma-download ang videos. Ang mga users na 16-17 ay may setting din na awtomatikong nakakaturn off, na may option na i-on ito sa kanilang Privacy settings. Alamin dito

Sino ang maaaring makapag-Duet sa iyo

Ang Duet ay isang video feature sa TikTok na nagpapahintulot sa isa pang TikTok user na gamitin ang iyong content para gumawa ng split screen video gamit ang parehong audio. Ang creator ng Duet ay makapipili kung sino ang makapapanood, makapagkokomento, at makagpagda-download ng bagong gawang Duet. Ang mga creator na 16 pataas na may public account ay pwedeng gumamit ng Duet.
Ang Duet ay nakatutuwang paraan para gumawa ng videos kasama ang isa pang user, pero ikaw ang may kontrol kung sino ang pwedeng makipag-duet sa content mo. Madali itong i-set ng isang beses sa account level, at ang setting na ito ay mag-a-apply sa lahat ng iyong videos. Pwede mo ring i-turn on o off ang Duet sa partikular na video. Alamin dito

Sino ang maaaring mag-Stitch ng iyong content

Ang Stitch ay pinahihintulutan ang mga user na i-clip at ipasok ang mga eksena mula sa video ng isa pang user at ikabit ito sa iyong video. Tulad ng Duet, ang Stitch ay isang paraan para bigyan ng bagong kahulugan at magdagdag sa content ng ibang users, dugtungan ang kanilang istorya, tutorials, recipes, math lessons, at iba pa. Ang creator ng Stitch ay makapipili kung sino ang pwedeng makapanood, magkomento, at mag-download ng bagong gawang content. Ang mga creator na 16 pataas na may public accounts ay pwedeng mag-stitch. Alamin dito