Na-update: November 20, 2024
Nakakaranas ka ba ng emergency? Kontakin ang iyong lokal na emergency hotline
Gusto mo bang mag-report ng isyu sa TikTok?
Kung may mga tanong ka o kakilala mo tungkol sa paggamit ng substance o adiksyon, mahalagang malaman na may handang tumulong at hindi ka nag-iisa. Nakikipagtulungan ang TikTok sa mga ekspertong organisasyon para magbigay ng mga propesyonal na sanggunian na pwedeng sumuporta sa aming komunidad.
Tumutukoy ang paggamit ng substance sa paggamit ng iba't ibang uri ng substance, gaya ng mga droga, alak, o tabako, kabilang ang mga vape at e-cigarette.
Nangyayari ang pagdepende at adiksyon (kilala rin bilang disorder sa paggamit ng substance) kapag nangangailangan ang katawan ng mga tao ng substance para makaramdam ng “normal” at masyadong malakas ang mga pagnanasa para mapaglabanan.
Nagagamit ang mga substance sa iba't ibang paraan. Maaaring mula ito sa pagpili na hindi kailan na gagamitin ang mga ito (pag-iwas), mas mababang panganib sa paggamit at mas mataas na panganib sa paggamit na pwedeng humantong sa adiksyon, na kilala rin bilang disorder sa paggamit ng substance.
Gusto mo bang makipag-usap sa isang tao? May suporta para sa mga taong naghahanap ng tulong. Kung interesado ka sa mga sanggunian para sa sarili mo o sa mahal mo sa buhay, narito ang ilang kapaki-pakinabang na tool sa paghahanap para makahanap ng mga lokal na opsyon para sa paggagamot, suporta, at pag-recover sa iyong lugar:
Pwedeng maging mahirap ang paghingi ng tulong kapag nahihirapan ka, pero hindi ka nag-iisa. Isang positibong hakbang ang pagkilala sa mga senyales at paghingi ng tulong. Narito ang ilang ideya kung sa tingin mo ay maaaring kailangan mo ng ilang suporta:
Kung sa tingin mo ay maaaring nakararanas ng mga problema ang kaibigan sa paggamit ng substance, madaling makaramdam ng labis na pagkabalisa at hindi sigurado kung paano ka pwedeng makatulong. Narito ang ilang positibong aksyon na pwede mong gawin para masuportahan ang isang kaibigan:
Available ang higit pang impormasyon tungkol sa kung paano masusuportahan ang mga kaibigang nakakaranas ng mga paghihirap sa kalusugan sa pag-iisip sa Gabay sa Kapakanan ng TikTok.
Maraming pangalan ang mga vape at e-cigarette, kabilang ang mga e-cigs, vape pen, vaporizer, electronic nicotine delivery systems (ENDS), at iba pa. Ang mga vape at e-cig ay mga device na pinapatakbo ng baterya.
Pinag-aaralan pa rin ang mga effect ng mga vape at e-cig gayunpaman, may malinaw na ebidensya na naglalaman ang mga e-cigarette aerosol ng mga toxic na kemikal at metal (isipin ang formaldehyde, nicotine, chromium, nickel at manganese), at pwedeng magdulot ng cancer. Ipinapahiwatig din ng bagong data na nauugnay din ito sa malalang sakit sa baga at hika. Tingnan ang mga sanggunian gaya ng Talk to Frank para matuto pa.
Walang sinumang nakakatiyak kung paano makakaapekto ang mga droga sa kanila. Pero nitong nakaraan, mahirap na ring malaman kung ang isang gamot ay ang mismong substance iniisip ng isang tao. Dalawang malaking dahilan nito ay ang fentanyl at mga huwad.
Nangyayari ang mga overdose kapag umiinom ng sobrang substance ang isang tao. Madaling nakamamatay ang mga overdose. Kung sa tingin mo ay nakakaranas ng overdose ang isang tao, tumawag kaagad sa mga serbisyong pang-emergency.
May mga batas sa “Mabuting Samaritano” ang maraming bilang ng hurisdiksyon sa buong mundo na nagbibigay ng proteksyon laban sa pag-aresto, pagpaparatang, o paglilitis para sa pagmamay-ari ng mga droga o paraphernalia kapag tumawag sa mga serbisyong pang-emergency ang mga indibidwal na nakakaranas o nakasaksi ng overdose.
Ang Naloxone ay isang nakapagliligtas-buhay na gamot na nilalabanan ang mga epekto ng opioids sa katawan kung sakaling ma-overdose. Gumagana lang ang Naloxone para sa mga partikular na gamot, kaya mahalagang matuto pa. Sa maraming bansa, pwedeng mabili ang naloxone sa over the counter o sa mga parmasya nang walang reseta o makuha nang libre mula sa mga organisasyon para sa pampublikong kalusugan. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang:
Kung nahanap mo ang page na ito, gusto muna naming sabihin na nakikiramay kami sa iyo. Kung interesado kang matuto pa tungkol sa mga sanggunian para i-navigate ang kalungkutan kaugnay ng paggamit ng substance, malugod ka naming inaanyayahan na tumingin sa mga sanggunian para sa mga naulilang miyembro ng pamilya sa Song for Charlie.
Nakikita naming tinatanggap ng komunidad ang mga hashtag tulad ng #recoverytok, #sobertok, #addictionawareness, #sobercurious gayundin ang #sobernative, #blackandsober, #soberlatina, #sobergay, #soberlesbian, at #transandsober na nag-aalok ng mga hub para sa pag-uusap, pag-aaral, at panghihikayat.
Kung naghahanap ka ng supportive na komunidad kung saan pwede mong ibahagi ang iyong karanasan sa pag-recover, makipagkonekta sa iba pang miyembro ng komunidad na may katulad na karanasan o tahimik lang na manood ng ilang TikTok, pwedeng maging isang magandang pasimula ang mga hashtag na ito. Bisitahin ang gabay sa Safety Center sa Paano Ligtas na Ibahagi ang Iyong Kwento para matuto pa.
Para sa mga layuning pang-impormasyon at pang-edukasyon na paggamit lang ang content na makikita sa page na ito. Hindi dapat ituring “Ang Support Page ng Substance” na kapalit ng medikal, sikolohikal, o psychiatric na diagnosis, paggamot, o payo. Huwag mag-atubiling humingi ng propesyonal na suportang medikal o agarang tulong na pang-emergency kung ikaw, o sinumang ibang tao, ay nasa krisis, panganib, o nakakaranas ng medikal na emergency. Pakitandaan na hindi lang ikaw ang responsable para sa kaligtasan ng iba--pwede kang makakuha ng tulong.
Binuo ang page ng Safety Center na ito nang may pagkonsulta sa eksperto mula sa The Public Good Projects. Maraming salamat sa Song for Charlie, We Are With You, Talk to Frank, Truth Initiative sa pagtulong sa paghubog ng sanggunian na ito.