Inilabas noong Abril 17, 2024
May bisa simula Mayo 17, 2024
Lubos naming pinapangalagaan ang kapakanan mo at gusto naming maging pinagkukunan ng kasiyahan, pag-unlad, at pagiging kabilang. Tinatanggap namin ang pagsasama-sama ng mga tao para makahanap ng mga ugnayan, makilahok sa magkakaparehong karanasan, at maramdamang bahagi ng isang mas malawak na komunidad. Nagsisikap kaming siguraduhin na nangyayari ito sa isang nakakatulong na lugar na hindi negatibong nakakaapekto sa pisikal o sikolohikal na kalusugan mo.
Gusto naming gawing isang lugar ang TikTok kung saan puwede mong pag-usapan ang mga emosyonal na komplikadong paksa sa isang nakakatulong na paraan nang hindi dinaragdagan ang panganib na mapinsala. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita, pagpo-promote, o pagbabahagi ng mga plano para magpakamatay o saktan ang sarili.
Kung ikaw o isang kakilala mo ay nakakaisip na magpakamatay o saktan ang sarili, may available na suporta. Makipag-ugnayan sa helpline ara sa pag-iwas sa pagpapakamatay sa inyong rehiyon o sa inyong mga lokal na pang-emergency na serbisyo. Puwede kaming makipag-ugnayan sa mga lokal na pang-emergency na serbisyo, kung may isang partikular, maaasahan, at napipintong banta sa buhay ng tao o malalang pisikal na pinsala, gaya ng pagbabahagi ng mga detalye tungkol sa isang planong saktan ang sarili mo.
Karagdagang impormasyon
HINDI PINAPAYAGAN
PINAPAYAGAN
Gusto naming gawing isang lugar ang TikTok kung saan hinihikayat ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at hindi nagpo-promote ng mga negatibong pagkukumpara sa mga tao. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita o pag-promote ng pagkain nang may disorder at mga mapanganib na gawi sa pagbawas ng timbang, o pagbibigay-daan sa kalakalan o marketing ng mga produkto para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan.
Ang content ay may limitasyon (18 taong gulang pataas) at hindi kwalipikado para sa FYF kung nagpapakita o nagpo-promote ito ng potensyal na mapaminsalang pamamahala sa timbang, o nagma-market ng mga produkto para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan. Ang content ay may limitasyon (18 taong gulang pataas), at hindi kuwalipikado para sa FYF sa ilang rehiyon, kung nagpapakita ito ng kosmetikong operasyon at walang kasamang babala ng panganib.
Kung ikaw o isang kakilala mo ang nakakaranas ng mga alalahanin tungkol sa hitsura ng katawan, pagkain, o pag-eehersisyo, may available na suporta. Makipag-ugnayan sa isang helpline sa inyong rehiyon.
Karagdagang impormasyon
Ang pagkain nang may disorder at mga mapanganib na gawi sa pagbawas ng timbang ay tumutukoy sa labis na pagdidiyeta o fasting, o maling paggamit ng gamot o pagsasagawa ng ehersisyo para sa pagbawas ng timbang na posibeng makagawa ng malaki at agarang panganib sa kalusugan o mabuting kalagayan.
Ang potensyal na mapanganib na pamamahala sa timbang ay tumutukoy sa mga diyeta, gamot, o ehersisyong ginagamit para sa mabilis o malaking pagbawas sa timbang o pagdagdag ng kalamnan na posibleng magsanhi ng pangmatagalang panganib sa kalusugan o mabuting kalagayan.
HINDI PINAPAYAGAN
MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)
HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF
PINAPAYAGAN
Malugod naming tinatanggap ang mga oportunidad na lumahok sa mga masaya at malikhaing trend. Karamihan sa mga aktibidad o hamon ay angkop para sa lahat at nagdudulot ng pagsasama-sama ng mga tao, pero may ilang nagdadala ng panganib ng malubhang injury. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita o pagpo-promote ng mga mapanganib na aktibidad at hamon.
May limitasyon ang content (18 taong gulang pataas) kung nagpapakita ito ng aktibidad na malamang na gayahin at posibleng humantong sa pisikal na pinsala. Ang content ay hindi kwalipikado para sa FYF kung nagpapakita ito ng aktibidad na malamang na humantong sa katamtamang pisikal na pinsala. Para tulungan kang pamahalaan ang karanasan mo sa TikTok, naglalapat din kami ng babalang impormasyon sa ganitong uri ng content, at sa content na nagpapakita ng mga propesyonal na nagsasagawa ng mga extreme sports at stunt. Alamin pa ang tungkol sa ano ang gagawin kapag may nakita kang online na hamon.
Karagdagang impormasyon
Ang mga mapanganib na aktibidad at hamon ay mga aksyong isinasagawa ng mga hindi propesyonal na nagdadala ng mga likas o nalalamang panganib at posibleng magresulta sa malaking pisikal na pinsala. Kasama rito ang mga udyok, laro, pakana, hindi naaangkop na paggamit ng mga mapanganib na tool, at pagkain ng mga substance na mapanganib sa kalusugan ng indibidwal.
Ang malubhang pisikal na pinsala ay pinsalang karaniwang nangangailangan ng propesyonal na medikal na panggagamot at nagdadala ng panganib ng pansamantala o permanenteng kapansanan o pagkasira ng katawan. Kasama rito ang mga na-dislocate o nabaling buto, pagkalason, kawalan ng malay, malalang paso, pagkakuryente, pagkaalog ng utak, at pagkasakal.
Ang katamtamang pisikal na pinsala ay pinsalang hindi malamang na mangailangan ng propesyonal na medikal na panggagamot at hindi nagdadala ng panganib ng kapansanan o pagkasira ng katawan. Kasama rito ang maliliit na hiwa na may kaunting pagdurugo at kaunting pagpapasa sa katawan.
HINDI PINAPAYAGAN
MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)
HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF
PINAPAYAGAN