TikTok LogoTikTok Logo
Kaligtasan at Pagkamagalang

Kaligtasan at Pagkamagalang

Inilabas noong Abril 17, 2024

May bisa simula Mayo 17, 2024

Hinuhubog ng pisikal at sikolohikal na kaligtasan ang pundasyon ng inidibidwal na kapakanan, at ang pagkamagalang ang susi sa isang umuunlad na komunidad. Ang pagiging magalang ay hindi nangangahulugang lagi mong kailangang sumang-ayon, sa halip, tungkol ito sa pagkilala sa likas na dignidad ng bawat tao at pagiging magalang sa pagkilos, pananalita, at tono ng pananalita kapag nakikipag-ugnayan sa iba.

Marahas at Krimen na Gawi

Nakatuon kami sa pagsasama-sama ng mga tao sa isang paraan na hindi nagdudulot ng pisikal na kaguluhan. Kinikilala namin na puwedeng magdulot ng totoong pinsala sa mundo ang online na content na may kaugnayan sa karahasan. Hindi namin pinapayagan ang anumang marahas na banta, pagpo-promote ng karahasan, pag-uudyok ng karahasan, o pagpo-promote ng mga kriminal na aktibidad na puwedeng makapinsala ng mga tao, hayop, o ari-arian.

Kung may isang partikular, maaasahan, at napipintong banta sa buhay ng tao o malalang pisikal na pinsala, iniuulat namin ito sa mga kaugnay na awtoridad sa pagpapatupad ng batas.

Para sa mga detalye kung paano namin pinangangasiwaan ang content na naglalaman ng mga larawan ng karahasan, tingnan ang Nakakagulat at Graphic na Content.

Karagdagang impormasyon

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagbabanta o pagpapahayag ng kagustuhang magdulot ng pisikal na pinsala sa isang tao o isang grupo
  • Pagpo-promote o pag-uudyok ng karahasan, tulad ng paghihikayat ng pag-atake o paghihikayat sa iba na umatake, pagpuri sa isang marahas na aksyon, o pagrerekomenda sa mga tao na magbitbit ng mga sandata sa isang lokasyon para manakot ng iba
  • Pagpo-promote ng pagnanakaw, o paninira ng ari-arian o ng likas na kapaligiran
  • Pagbibigay ng mga instruksyon kung paano gumawa ng mga kriminal na aktibidad na posibleng makapinsala ng mga tao, hayop, o ari-arian

PINAPAYAGAN

  • Mga banta ng karahasan sa mga kathang-isip na setting

Mapoot na Pananalita at Mapoot na Gawi

Ang TikTok ay pinagyayaman ng pagkakaiba-iba ng komunidad natin. Dapat tanggapin ang ating pagkakaiba-iba, sa halip na maging dahilan ng pagkakawatak-watak. Hindi namin pinapayagan ang anumang mapoot na pananalita, mapoot na gawi, o pagpo-promote ng mga mapoot na ideyolohiya. Kasama rito ang hayagan o hindi hayagang content na umaatake sa isang protektadong grupo.

Kapag may mga talakayan tungkol sa mga isyung panlipunan sa TikTok, gusto namin na maging magalang ang mga ito. Ang content ay posibleng hindi kwalipikado para sa FYF kapag ito ay hindi direktang nangmamaliit sa mga protektadong grupo.

Alamin pa ang tungkol sa aming pagsisikap na labanan ang kapootan, at mga tool na makakatulong na limitahan ang mga hindi kanais-nais na interaksyon, kasama ang mga naglilimitang opsyon para sa mga komento, duet, stitch, at pagmemensahe.

Karagdagang impormasyon

mga mapoot na ideyolohiyaAng ay mga sistema ng mga paniniwala na nagbubukod, nang-aapi, o nandidiskrimina ng mga indibidwal batay sa kanilang mga protektadong katangian.

mga protektadong grupoAng ibig sabihin ng ay mga indibidwal o komunidad na may magkakatulad na protektadong katangian.

mga protektadong katangianAng ibig sabihin ng ay mga personal na katangian na mayroon ka nang ikaw ay ipinanganak, hindi mababago, o kaya kung pinilit kang baguhin ang mga ito o inatake ka dahil sa mga ito, magdudulot ito ng malubhang sikolohikal na pinsala. Kasama rito ang:

  • Caste
  • Etnisidad
  • Bansang Pinagmulan
  • Lahi
  • Relihiyon
  • Tribo
  • Katayuan sa Imigrasyon
  • Kasarian
  • Kinikilalang Kasarian
  • Kasariang Sekswal
  • Sekswal na Oryentasyon
  • Kapansanan
  • Malubhang Sakit

Dagdag pa, nagbibigay rin kami ng ilang proteksyon kaugnay ng edad, at posibleng isaalang-alang ang iba pang protektadong katangian kapag mayroon kaming karagdagang konteksto, gaya ng partikular na panrehiyong impormasyon na ibinigay sa amin ng isang lokal na non-governmental organization (NGO). Ang mga katangiang nakalista sa itaas ay batay sa Universal Declaration of Human Rights at mga internasyonal na kumbensyon.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpo-promote ng karahasan, paghihiwalay, diskriminasyon, at iba pang pinsala batay sa isang protektadong katangian
  • Nagpo-promote ng anumang mapoot na ideyolohiya, kabilang ang:
    • Pag-aangkin ng pagiging mas mataas sa isang protektadong grupo, gaya ng pagiging mas mataas batay sa lahi, misogyny, kontra-LGBTQ+, antisemitism, o Islamophobia
    • Paggawa ng mga pahayag ng konspirasyon na nagta-target ng protektadong grupo, gaya ng pagsuporta sa Great Replacement Theory o pagsasabing kontrolado ng mga Hudyo ang media
    • Paggamit ng mga nauugnay na simbolo at larawan
    • Pangangasiwa sa palitan o marketing ng anumang item na nagpo-promote ng mapoot na pananalita o mapopoot na ideyolohiya, gaya ng sa mga libro o pananamit na may mga mapoot na logo
  • Pang-aalipusta sa isang tao batay sa kanyang mga protektadong katangian sa pamamagitan ng pagsasabi o pagpapahiwatig na siya ay pisikal, mental, o moral na mas mahina, o pagtawag sa kanya ng mga mapanlait na salita, gaya ng pagsasabing siya ay kriminal, hayop, o paghahalintulad sa kanya sa mga walang buhay na bagay
  • Paggamit ng mapoot na insulto na kaugnay ng isang protektadong katangian
  • Pagtatatuwa o pagmamaliit sa mga naisadokumnentong makasaysayang pangyayari na nakapinsala ng mga protektadong grupo, gaya ng pagtatatuwa sa Holocaust o genocide laban sa mga Tutsi sa Rwanda
  • Pag-aakusa sa isang protektadong grupo na pagiging responsable para sa hindi magagandang aksyong dulot ng isang tao na nagtataglay ng protektadong katangian na iyon, gaya ng paggamit ng isang halimbawa ng mapoot na gawi na dulot ng imigrante para imungkahing mapanganib ang lahat ng imigrante
  • Content na inaalipusta o itinatatuwa ang pagkakaroon ng mga partikular na tao dahil sa kanilang mga protektadong katangian, gaya ng pagsasabing may sakit sa pag-iisip ang mga tao kung itinuturing nilang transgender ang sarili nila
  • Pagtawag sa isang tao sa pangalang hindi na niya ginagamit o maling pagtukoy ng kasarian niya gamit ang dati niyang pangalan o kasarian sa halip na gamitin ang pinili niyang pagkakakilanlan, o sa pamamagitan ng pag-promote ng mga programa ng conversion therapy na nagtatangkang baguhin ang sekswal na oryentasyon o kinikilalang kasarian ng isang tao

HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF

  • Ilang content na gumagamit ng mga stereotype, paratang, o hindi direktang pahayag na posibleng magpahiwatig ng pangmamaliit sa mga protektadong grupo

PINAPAYAGAN

  • Mga insulto na inaangkin o tinatanggap ng tina-target na komunidad sa paraang hindi nang-aalipusta, gaya ng paggamit ng insulto sa isang kanta o para tukuyin ang sarili mo
  • Pang-edukasyon at dokumentaryong content na nagdudulot ng kamalayan tungkol sa mapaminsalang mapoot na pananalita, kasama ang mga insulto kapag ginamit ang mga ito para tumalakay ng nauugnay na pinsala
  • Counterspeech, pagbatikos ng, o satire tungkol sa mga mapoot na ideyolohiya
  • Talakayan tungkol sa mga isyung panlipunan na nakakaapekto sa mga protektadong grupo, kasama ang mga debate sa patakaran (basta't hindi nito inaatake ang mga tao batay sa isang protektadong katangian)

Mga Marahas at Mapoot na Organisasyon at Indibidwal

Gusto naming ibahagi mo kung ano ang nagbibigay sa iyo ng inspirasyon, pero hindi lugar ang TikTok para magpalaganap ng mga paniniwala o propaganda na naghihikayat ng karahasan o poot. Hindi namin pinapayagan ang pagkakaroon ng mga marahas at mapoot na organisasyon o indibidwal sa aming plataporma. Kasama sa mga taong ito ang mga marahas na extremist, marahas na kriminal na organisasyon, marahas na pulitikal na organisasyon, mapoot na organisasyon, at mga indibidwal na nagdudulot ng sunud-sunod o malakihang karahasan. Kung malaman naming nasa plataporma namin ang sinuman sa mga taong ito, magsasagawa kami ng mahigpit na pagsusuri—kasama na ang gawi sa labas ng plataporma—na posibleng magresulta sa pagka-ban ng account.

Kadalasan, ina-amplify ng iba ang mga ideya ng ganitong mga tao. Hindi namin pinapayagan ang sinuman na mag-promote o magbigay ng matinding suporta sa mga nagsasagawa ng marahas o mapoot na aktibidad. Ang content na mukhang neutral, gaya ng pagtatampok ng quote mula sa isang mapoot na organisasyon o indibidwal, ay dapat linawin na walang intensyong i-promote ito. May mga limitado kaming pagbubukod para sa mga talakayan tungkol sa mga marahas na pulitikal na organisasyon.

Karagdagang impormasyon

matinding suporta Ang ibig sabihin ng ay pagbibigay ng mga pinansyal na kontribusyon, produkto, o serbisyo para i-promote ang mararahas na organisasyon o indibidwal, o ang kanilang layunin. Kasama rito ang pag-recruit, paglikom ng pondo, pagbebenta ng merchandise, at pagpo-promote ng mga materyal para sa pagsasanay.

mga marahas na extremistAng ay mga grupong hindi nakabatay sa estado, kasama ang mga tinukoy ng United Nations, na nagbabanta o gumagamit ng karahasan sa mga sibilyan dahil sa pulitika, relihiyon, lahi, o ideyolohiya.

mga marahas na kriminal na organisasyonAng ay mga transnasyonal, pambansa, o lokal na grupong nagsasagawa ng mabibigat na krimen, kabilang ang karahasan, trafficking, at kidnapping.

mga marahas na pulitikal na organisasyonAng ay mga aktor na hindi pang-estado na gumagawa ng mga marahas na aksyon pangunahin laban sa mga aktor ng estado (tulad ng pambansang militar) sa halip na mga sibilyan, bilang bahagi ng patuloy na mga alitan sa pulitika (tulad ng mga pag-aangkin sa teritoryo).

mga mapoot na organisasyonAng ay mga grupo na nagta-target ng mga tao batay sa mga protektadong katangian, kasama na ang pag-uudyok ng poot, pagmamalupit sa mga indibidwal o grupo, at pagpo-promote ng mga mapoot na ideyolohiya.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Mga account na pinapatakbo ng mga organisasyon o indibidwal na nagpo-promote ng karahasan o mga mapoot na ideyolohiya sa loob o labas ng plataporma
  • Pagbibigay ng matinding suporta sa mga marahas na pulitikal na organisasyon o pag-promote ng karahasang sinasanhi ng mga ito
  • Pag-promote (kasama ang anumang puri, pagdiriwang, o pagbabahagi ng mga manifesto) o pagbibigay ng matinding suporta sa:
    • Mga mapoot na organisasyon
    • Mga indibidwal na nagdudulot ng sunud-sunod o malakihang karahasan, o nagpo-promote ng mga mapoot na ideyolohiya
    • Mararahas na kriminal na organisasyon
    • Mararahas na extremist

PINAPAYAGAN

  • Pagtalakay tungkol sa isang marahas na pulitikal na organisasyon (basta't walang pagpo-promote ng karahasan)
  • Pang-edukasyon at dokumentaryong content na nagdudulot ng kamalayan tungkol sa pinsala ng mga marahas at mapoot na indibidwal

Sekswal at Pisikal na Pang-aabuso sa Kabataan

Lubos kaming nakatuon sa pagiging ligtas at positibong karanasan ng TikTok para sa mga batang indibidwal. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita, pag-promote, o pakikisangkot sa sekswal o pisikal na pang-aabuso o pananamantala sa kabataan. Kasama rito ang materyal ng sekswal na pang-aabuso ng bata (child sexual abuse material o CSAM), grooming, sextortion, sekswal na solicitation, pedophilia, at pisikal o sikolohikal na pananakit ng mga batang indibidwal.

Inire-report namin ang mga insidente ng sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa kabataan sa Pambansang Sentro para sa mga Nawawala at Napagsamantalahang Bata (National Center for Missing and Exploited Children, NCMEC). Nagre-report din kami sa mga nauugnay na awtoridad sa pagpapatupad ng batas kapag may partikular, kapani-paniwala, at napipintong banta sa buhay ng tao o malubhang pisikal na pinsala. Kung makakakita ka ng pinaghihinalaang CSAM, i-report ito kaagad sa app o sa website namin. Huwag mag-download, kumuha, o magbahagi ng CSAM na content sa anumang paraan.

Kung ikaw o isang kakilala mo ay nakaranas ng sekswal na pang-aabuso o pananamantala sa kabataan, may available na suporta. Makipag-ugnayan sa helpline o service provider sa iyong rehiyon. Kung may napipintong panganib sa iyo, makipag-ugnayan sa inyong lokal na mga pang-emergency na serbisyo.

Karagdagang impormasyon

Materyal ng Sekswal na Pang-aabuso sa Bata (Child Sexual Abuse Material, CSAM) Ang ay tumutukoy sa anumang sexualized na materyal ng isang bata na ibinabahagi o ginawa ng sinuman, kabilang ang CSAM na sariling gawa, o napakamakatotohanang-tingnang digital o AI-generated na content. Kasama sa sexualized na materyal ang content na nagpapahiwatig o nagpapakita ng mga sekswal na aktibidad o sekswal na pang-aabuso, sekswalisasyon ng katawan ng kabataan, o fetishization ng mga bahagi ng katawan ng kabataan.

grooming Ang ay kapag nakipagkaibigan o nagtaguyod ng isang mapagkakatiwalaang ugnayan ang isang tao sa isang bata para sa layunin ng sekswal na pang-aabuso o pananamantala.

Sextortion Ang ay ang pagbabanta na ibahagi ang hubad, maselan, o may sekswal na pahiwatig na content nang walang pahintulot, na karaniwang ginagawa para makakuha ng pera, mga sekswal na aksyon, o karagdagang hubad, maselan, o may sekswal na pahiwatig na content.

sekswal na panliligalig Ang ay hindi kanais-nais na sekswal na komunikasyon o gawi na nakatuon sa isang tao. Kasama rito ang sekswalisasyon sa pamamagitan ng platform (gaya ng paggaya sa sekswal na aksyon sa pamamagitan ng duet o sticker), paghahayag tungkol sa malalaswang bahagi ng katawan o sekswal na husay, o pagbabahagi o pagbabantang magbahagi ng impormasyon tungkol sa sekswal na buhay ng isang tao (gaya ng sekswal na kasaysayan o mga partner, o oryentasyong sekswal).

malalaswang bahagi ng katawanTumutukoy ang sa ari, puwit, at mga dibdib (kabilang ang utong at areola).

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita, pag-promote, o pagsasagawa ng sekswal o pisikal na abuso o pananamantala sa kabataan, kabilang ang:
    • Materyal ng Sekswal na Pang-aabuso ng Bata (Child Sexual Abuse Material o CSAM), kabilang ang anumang screenshot o anumang clip mula sa orihinal na materyal kahit na hindi ito nagpapakita ng paghuhubad o sekswal na aktibidad
    • Romantikong relasyon sa pagitan ng nasa hustong gulang at batang indibidwal, kabilang ang pedophilia, o pagtukoy sa sarili bilang nasa hustong gulang na naaakit sa batang indibidwal
    • Pagkilos kaugnay ng grooming
    • Sextortion
    • Sekswal na panliligalig
    • Ang sekswal na solicitation, kasama ang pag-iimbita ng isang batang indibidwal na makilahok sa isang sekswal na aksyon, umalis sa plataporma, o magbahagi ng mga may sekswal na pahiwatig na larawan (kahit na inimbitahan ng iba pang batang indibidwal)
  • Pagpapakita o pag-promote ng pisikal na pang-aabuso, pagpapabaya, pagsasapanganib, o sikolohikal na pang-aabuso sa kabataan
  • Muling pambibiktima ng kabataan na nakaranas ng pang-aabuso o pananamantala, kasama ang sa pamamagitan ng mga muling pagbabahagi ng third party

PINAPAYAGAN

  • Pang-edukasyon at dokumentaryong content na nauugnay sa mga pinsala ng pang-aabuso o pananamantala sa kabataan (hangga’t hindi ito nagpapakita o graphic na naglalarawan ng ganoong content)

Sekswal at Pisikal na Pang-aabuso sa Nasa Hustong Gulang

Nakatuon kami sa pagbibigay ng lugar kung saan kinikilala ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, sinusuportahan ang magagandang relasyon, at iginagalang ang pagiging maselan ng privacy. Puwedeng magdulot ng trauma ang pagpapahina sa mga pagpapahalagang ito at posibleng magdulot ng pisikal at sikolohikal na pinsala. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita, pag-promote, o pagsasagawa ng sekswal o pisikal na pang-aabuso o pananamantala sa nasa hustong gulang. Kasama rito ang mga walang pahintulot na sekswal na aksyon, sekswal na pang-aabuso na batay sa larawan, sextortion, pisikal na pang-aabuso, at sekswal na panliligalig.

Kung ikaw o isang kakilala mo ay nakaranas ng pang-aabuso o pananamantala, may available na suporta. Makipag-ugnayan sa helpline o service provider sa iyong rehiyon. Kung may napipintong panganib sa iyo, makipag-ugnayan sa inyong lokal na mga pang-emergency na serbisyo. Kung naniniwala kang nakaranas ka ng paglabag sa maselang privacy sa aming plataporma, puwede mong i-report ito.

Karagdagang impormasyon

hindi pinagkasunduang sekswal na aksyonAng mga ay tumutukoy sa anumang sekswal na ugnayang nangyayari nang walang pagpayag ng lahat ng nasasangkot sa aktibidad. Kabilang dito ang anumang hindi pinagkasunduang sekswal na ugnayan, gaya ng panggagahasa at pangmomolestya.

sekswal na pang-aabusong nakabatay sa larawanAng ay pagmamay-ari, pamamahagi, o pagbibigay ng mga instruksyon tungkol sa kung paano gumawa o mag-access ng malalaswang larawan (tunay o dinoktor) ng isang indibidwal na ginawa o ipinapamahagi para sa sekswal na layunin nang hindi siya pumapayag. Posibleng magbahagi ng content nang walang pagpayag kahit na mukhang kinuha ito nang may pagpayag.

sextortion Ang ay ang pagbabanta na ibahagi ang hubad, maselan, o may sekswal na pahiwatig na content nang walang pahintulot, na karaniwang ginagawa para makakuha ng pera, mga sekswal na aksyon, o karagdagang hubad, maselan, o may sekswal na pahiwatig na content.

sekswal na panliligalig Ang ay hindi kanais-nais na sekswal na komunikasyon o gawi na nakatuon sa isang tao. Kasama rito ang sekswalisasyon sa pamamagitan ng platform (gaya ng paggaya sa sekswal na aksyon sa pamamagitan ng duet o sticker), paghahayag tungkol sa malalaswang bahagi ng katawan o sekswal na husay, o pagbabahagi o pagbabantang magbahagi ng impormasyon tungkol sa sekswal na buhay ng isang tao (gaya ng sekswal na kasaysayan o mga partner, o oryentasyong sekswal).

malalaswang bahagi ng katawanTumutukoy ang sa ari, puwit, at mga dibdib (kabilang ang utong at areola).

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita, pag-promote, o pagsasagawa ng:
    • Mga hindi pinagkasunduang sekswal na aksyon, sekswal na pang-aabusong nakabatay sa larawan, o pisikal na pang-aabuso (karahasan sa tahanan)
    • Sekswal na panliligalig
    • Sextortion

PINAPAYAGAN

  • Mga nakaligtas sa pang-aabuso o pananamantala na ibinabahagi ang mga sarili nilang karanasan (hanggang hindi nito ipinapakita o graphic na inilalarawan ang naturang content)
  • Pang-edukasyon at dokumentaryong content na nagdudulot ng kamalayan tungkol sa panganib ng sekswal na pananamantala at karahasang nakabatay sa kasarian (hangga't hindi nito ipinapakita o graphic na inilalarawan ang naturang content)

Human Trafficking at Smuggling

Naninindigan kaming itaguyod ang indibidwal na dignidad ng tao at tiyaking hindi ginagamit ang TikTok para pagsamantalahan ang mga taong nanganganib. Hindi namin pinapayagan ang human trafficking at smuggling. Nauunawaan namin kung gaano kahalaga para sa mga survivor ng human trafficking at smuggling na ibahagi ang kanilang mga kwento, at magawa ng mga migrante na maidokumento ang kanilang mga pakikipagsapalaran, kaya nagbibigay tayo ng lugar para magawa iyon.

Inire-report namin ang mga insidente ng sex trafficking sa kabataan sa Pambansang Sentro para sa mga Nawawala at Napagsamantalahang Bata (National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC). Nagre-report din kami sa mga nauugnay na awtoridad sa pagpapatupad ng batas kapag may partikular, kapani-paniwala, at napipintong banta sa buhay ng tao o malubhang pisikal na pinsala.

Karagdagang impormasyon

human traffickingAng ay isang anyo ng modernong pang-aalipin na puwedeng mangyari sa sariling bansa o sa ibang bansa at kinauugnayan ng pag-recruit ng mga biktima, pagsasaayos ng kanilang transportasyon, at pananamantala sa kanila sa pamamagitan ng dahas, panloloko, pamimilit, o panlilinlang. Puwedeng kasama rito ang trafficking para sa sex, pagtatrabaho, kabataan, o organ, sapilitang pagpapakasal, sapilitang paggawa ng krimen (tulad ng mapagsamantalang pamamalimos), pang-aalipin sa domestic worker, at mga batang sundalo.

human smugglingKasama sa ang pagkakaroon ng kita sa pamamagitan ng pagtulong sa isang tao na ilegal na pumasok sa ibang bansa. Puwedeng kasama rito ang pagbibiyahe, pagbibigay ng konsultasyon, pagtukoy, at paggawa ng pekeng dokumento sa pagbibiyahe.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pangangasiwa o pagkokoordina ng mga gawain at serbisyo para sa human smuggling
  • Pag-recruit o pagkokoordina ng mga gawain para sa human trafficking

PINAPAYAGAN

  • Pagpapahayag ng kagustuhang mag-migrate sa ibang bansa, o pagpapakita ng pakikipagsapalaran ng isang migrante (basta't hindi ito malinaw na nagpapakita ng pakikisangkot ng mga smuggler sa kanilang pakikipagsapalaran)
  • Paghingi ng tulong o pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kung paano umalis sa isang bansa bilang resulta ng mga pang-aabuso kaugnay ng mga karapatang pantao o isang humanitarian na krisis
  • Mga survivor na ibinabahagi ang sarili nilang mga karanasan sa human trafficking at smuggling
  • Pang-edukasyon at dokumentaryong content na nagdudulot ng kamalayan tungkol sa panganib ng human trafficking at smuggling

Panliligalig at Pambu-bully

Bukas kami sa may respetong paghahayag ng magkakaibang pananaw, at gusto naming tiyaking makakapagbahagi ng kanilang pananaw ang kahit sino nang hindi natatakot na malait o ma-bully. Hindi namin pinapayagan ang mga pahayag o gawi ng panliligalig, panlalait, o pambu-bully. Kasama rito ang pagtugon sa mga naturang gawi sa pamamagitan ng mapaghiganting panliligalig.

Batid namin na ang mga pampublikong personalidad na may kakayahang kunin ang pansin ng publiko, ay may mga paraan para labanan ang negatibong pananalita, at posibleng nasa interes ng publiko na mapanood ang ilang content na nauugnay sa kanila. Pinapayagan namin ang ilang negatibo o kritikal na komento o larawan tungkol sa mga pampublikong personalidad. Gayunpaman, inaalis pa rin namin ang content na lumalabag sa iba pang patakaran (gaya ng mga marahas na banta, mapoot na pananalita, o sekswal na pananamantala), pati na rin ang malulubhang anyo ng panliligalig (gaya ng doxxing o pagpapahayag ng kagustuhan na makaranas ng malalang pisikal na pinsala ang isang tao).

Kung ikaw o isang kakilala mo ay nakakaranas ng pambu-bully, may available na tulong. Nag-aalok kami ng mga mapagkukunan ng suporta, pati na rin ng mga tool na makakatulong na limitahan ang mga mapaminsalang pakikipag-ugnayan, kasama ang paglilimita sa mga opsyon para magkomento, makipag-duet, mag-stitch, at magpadala ng mensahe.

Karagdagang impormasyon

Doxxing Kasama sa ang paglalathala ng personal na impormasyon tungkol sa isang tao online nang may malisyosong layunin. Kinikilala naming puwedeng subjective ang layunin, kaya gumagamit kami ng mga objective na palatandaan para matulungan kaming maunawaan ito, gaya ng mga caption at hashtag.

mga pampublikong personalidad Ang ay mga nasa hustong gulang (18 taong gulang at pataas) na may mahalagang papel sa publiko, gaya ng opisyal ng gobyerno, pulitiko, lider ng negosyo, o celebrity. Hindi namin itinuturing na mga pampublikong personalidad ang mga taong wala pang 18 taong gulang.

mga pribadong personalidad Ang ay lahat ng taong wala pang 18 taong gulang, at mga nasa hustong gulang (18 taong gulang pataas) na hindi mga pampublikong personalidad.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Panlalait sa isang indibidwal na nakaranas ng pisikal na kabalisaan, o nang batay sa kanyang personal na hitsura, talino, o mga personal na kalagayan (gaya ng kalinisan, o kasaysayang pangkalusugan o medikal)
  • Pagpapakita na pisikal na binu-bully ng ibang tao o grupo ang isang indibidwal
  • Panlalait o muling pambibiktima sa mga taong nakaranas ng trahedya, gaya ng pag-aangking nararapat sa kanila iyon o pangmamaliit o pagtanggi sa karanasan nila
  • Panggugulo sa pisikal na kaligtasan ng isang indibidwal, sa pamamagitan ng pagbabanta sa kanya, o paghahayag ng kagustuhang siya ay mamatay, magkasakit nang malala, o makaranas ng kung ano pang malubhang pisikal na pinsala
  • Pagbabanta o pang-uudyok sa ibang mag-doxx o mag-blackmail ng isang tao, o magbahagi o mag-hack ng impormasyon ng account
  • Pang-uudyok sa ibang manligalig ng isang tao, o pag-promote ng panliligalig na may koordinasyon, gaya ng panghihikayat sa mga taong mag-post ng mga komentong may mapang-abusong wika, o mag-report ng account nang may masamang layunin

PINAPAYAGAN

  • Pagpuna sa content o mga gawain ng isang indibidwal (basta't hindi nito pinupuna ang kanyang mga personal na katangian)
  • Counterspeech, o pagbatikos ng panliligalig o pambu-bully (basta't wala itong kinalaman sa mapaghiganting panliligalig)
  • Ilang negatibo o kritikal na komento o larawan tungkol sa mga pampublikong personalidad (basta't hindi ito naglalaman ng malulubhang anyo ng panliligalig o lumalabag sa iba pang patakaran)
  • Pang-edukasyon at dokumentaryong content na nagdudulot ng kamalayan tungkol sa mga pinsala ng panliligalig at pambu-bully