Part 49•|#pov contract girlfriend ka ni Jeo Mula kay Darius ay muling napalipat sa akin ang nga tingin niya, malapad na naman ang mga ngiti niya sabay kindat sa tuwing nakatitig din ako sa kaniya. Ang hangin nito, hindi kaya mapunit ang labi niya sa kakangiti. Tinuloy ko na lang ang pag-iihaw ng barbeque, pero sa pagkakataon na yon ay todo ingat na ako sa pagpapaypay at baka mapalakas na naman at masunog ang mga yon. Dapat, focus lang. Sarap na sarap si Jeo sa hotdog na kinakain nito, nagsisimula na rin kasing magreklamo ang tiyan ko dahil sa gutom kaya hindi ko maiwasang matakam sa tuwing tinitingnan ko siya. "You want?" Pag-alok nito sa akin. Awtomatikong gumuhit ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niyang iyon, akma kong kakagatin ang hotdog na hawak niya ng ilayo niya iyon sa akin. Kung hindi ba man siraulo, tiningnan ko siya ng masama saka ko siya inirapan. Saksak mo yang hotdog sa lalamunan mo! "No, not that." Sambit pa nito habang umiiling. "Eh ano?" Ngumuso ito sa akin sabay turo ng labi niya, nagawa niya pa talagang pumikit-pikit ha. Gutom ako at pagkain ang kailangan ko hindi ang labi niya, mabubusog ba ako non? Siguro sa tagal niyang naghintay na halikan ko siya ay idinilat niya na ang mga mata. Nagsalubong pa talaga ang magkabila niyang kilay habang nakatingin sa akin. "Kiss me, now!" Maawtoridad niya pang utos bago muling ngumuso. Asa ka! Gamit ang hawak kong pamaypay ay yun ang ginamit ko para ihampas sa labi niya, hindi naman ganon kalakas sabay pitik sa noo nito. "Ang hirap mo kausap, puro ka kalokohan." Reklamo ko pa. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa pagiging clingy nitong si Jeo, hindi ko alam na may side pala siyang ganito, side effect ng halik. Jusko naman! Hindi ko na lang siya gaanong pinansin ng bigla na lang niya akong buhatin na parang pang bridal style. "Ibaba mo ako J, ano ba." Sambit ko dito. Umiling lang siya sabay ngisi. "Tama na yang pag-iihaw, samahan mo na akong maligo." Hindi pa man ako sumasagot ay dumiretso na ito papuntang pool, hindi ko alam kung anong binabalak niya. Tatalon ba kaming dalawa o itatapon niya ako sa tubig. Abay huwag! Hindi ako marunong lumangoy- Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari ng tumalon si Jeo sa pool kasama ako, sabay kaming lumubog na dalawa at dahil nga sa hindi ako marunong lumangoy ay literal talagang napakapit ako sa kaniya at hindi lang basta kapit dahil pinulupot ko talaga ang buo kong katawan sa kaniya. "Siraulo ka talaga!" Singhal ko sa kaniya ng makaahon kami sa tubig. Hingal na hingal pa ako diyan at pilit na bumabawi ng hangin. Hindi niya ako sinagot at tanging pag ngiti lang ang naging tugon niya sa akin, walang kung ano-ano ay bigla na naman akong hinalikan ng hinayupak. Grabe na talaga tong kabute na to, nakakailan ka na sa akin!! Kunyareng pakipot lang ako pero gusto ko naman talaga ang ginagawa niya, hindi lang basta yung halik ha, kundi yong pag ngiti niya sa akin sa araw-araw. Iyong panlalambing niya na parang bata at yung part na may pagkapossesive siya minsan. Sa sobrang bilis ng paglipas ng araw ay hindi ko inaakala na mahuhulog ako ng ganito kay Jeo, ang gaan lang sa pakiramdam na para bang sure ka na talagang nasa tamang tao ka. Wala na yong pangamba, basta parang nahanap ko bigla ang peace of mind ko kay Jeo. Hindi naman ako ganon katagal nagbabad sa pool dahil nga sa sobrang init, ang itim ko na kaya tas biglang dadagdagan ko pa. Pambihira yan, baka hindi na ako makita sa dilim niyan. "Tapos ka na?" Si Jeo. Kakatapos niya lang din mag-anlaw at sakto namang kakalabas ko lang din ng banyo. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin para kunin ang tuwalya na nakasampay sa balikat ko saka niya iyon pinampunas sa buhok ko. "Hayaan mo akong gawin to sa araw-araw y/n, ang goal ko lang naman kasi ay alagaan ka habang buhay." Seryoso niyang wika. Dahil nga matangkad si Jeo ay kailangan ko pa talagang tumingala sa kaniya, bakit ganito? Sobrang gaan sa pakiramdam, pwedeng bang panghabam-buhay na to God? Pwede bang si Jeo na talaga! #pov #JeoOng