Sa gitna ng kahirapan na nararanasan natin ngayon, napakahirap makabili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tinapay. Ang bawat sentimo ay mahalaga at kadalasan, hindi sapat ang kinikita upang matugunan ang pang-araw-araw na gastusin. Lalo na ngayon, malapit na ang pasukan at ang pagbili ng school supplies para sa ating mga anak ay nagiging malaking hamon.
Ang mga magulang ay nagkukusang magtipid at magsakripisyo para lamang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi tayo nawawalan ng pag-asa. Patuloy tayong nagsisikap at nagtutulungan upang malampasan ang mga pagsubok na ito. Ang bawat tulong na ating natatanggap mula sa mga kaibigan, kapamilya, at komunidad ay malaking bagay na. Isa rin kami sa mga kabataang hirap makabili ng mga gamit pang-eskwela noon, kaya naman nais naming makatulong sa inyo kahit sa maliit na bagay lamang.
Kaya't sa kabila ng lahat ng kahirapan, nananatili tayong matatag at nagtutulungan. Patuloy tayong magpakatatag at magtulungan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Maraming salamat sa inyong lahat.🫶 #balikeskwelaayuda #fyp #viralvideo #viraltiktok
Let's Do This - Outskrts
1 comment
You may like