Company

Program

Terms & Policies

© 2025 TikTok

We're having trouble playing this video. Please refresh and try again.

Pormal nang pinirmahan ni Pres. Bongbong Marcos ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act o ang batas para mapalakas ang local defense industry sa Pilipinas. #News5 #NewsPH #SocialNewsPH #BreakingNewsPH #FrontlineSaUmaga  

4224 comments

You may like

Pinned
#N5DOriginals | Alamin kung paano naihahalal ang mga party-list sa ilalim ng proportional representation na nakatakda sa batas. #BilangPilipino2025 #AmbagNatin #FactsFirstPH #partylist #News5 | via @Lui Urgino
news5everywhere
3819
·2-26
Pinned
#N5DOriginals | Kapatid, sa papalapit na #BilangPilipino2025, sunud-sunod na naglabasan ang iba’t ibang election preference surveys. Ngunit, para saan nga ba ang mga ito at anu-ano ang epekto nito sa mga kandidato at mismong mga botante? #AmbagNatin #FactsFirstPH #News5 | via @Jansen Rodriguez
news5everywhere
146
·2-27
Pinned
Kapatid, sa nalalapit na eleksyon, alam mo ba ang nakaatas na responsibilidad ng isang mambabatas? Sa gitna ng mga kontrobersyal na pagdinig sa Senado at Kongreso, ano nga ba ang tunay na tungkulin ng mga halal na opisyal sa lehislatura? May obligasyon nga rin ba silang magpatayo ng imprastruktura at mamigay ng ayuda? Alamin sa video na ito. #FactsFirstPH #BilangPilipino2025 #News5 | via Nicole Ann Teotico #newsph #SocialNewsPH #breakingnews #breakingnewsph
news5everywhere
4735
·2-28
Trending ang sexy performance ng #Blackpink member na si #Jennie para sa kanta niyang "Ruby" sa isang concert sa Los Angeles. #News5 #entertainmentnewsph
news5everywhere
15K
·2h ago
#News5Exclusive: Muntik maudlot ang bakasyon ng isang mag-ina matapos mabiktima ng umano'y tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport #NAIA. #News5 #newsph | via Reiniel Pawid
news5everywhere
11.9K
·3h ago
Hindi inurungan ng K-pop artists tulad ng #Enhyphen member na si #Nikki ang "Sweet Dreams" challenge ng #BTS member na si #JHope. #News5 #entertainmentnewsph
news5everywhere
812
·3h ago
Panibagong pag-asa ang nakukuha ng mga babaeng biktima ng sex trafficking sa Pilipinas dahil sa mga tulong na hatid ng isang non-government organization. #News5 #socialnewsph | via Bea de Guzman
news5everywhere
145
·3h ago
Sakto para sa mga gustong mag-unwind ang isang kakaibang cafe sa Valenzuela na may iba't ibang water activities. #News5 #socialnewsph | via Mondi Lopez
news5everywhere
113
·3h ago
Libu-libong kababaihan sa #Mexico, #Argentina, at #Peru ang lumahok sa mga rally kasabay ng #InternationalWomensDay nitong March 8. Ipinanawagan nila ang hustisya para sa mga biktima ng #femicide at ang patuloy na laban para sa #genderequality. #News5
news5everywhere
101
·3h ago
Arestado ang isang lalaki matapos umakyat sa #ElizabethTower o #BigBen sa London bilang protesta sa mga pang-aabuso sa #Palestine. #News5 | via @Jansen Rodriguez
news5everywhere
5138
·4h ago
Bahagi ng mga plataporma ng senatorial candidate at dating mambabatas na si #LizaMaza ang pagbibigay ng karagdagang trabaho, tulong, at proteksyon sa overseas Filipino workers at pagkakaroon ng Pilipinas ng independent foreign policy, lalo na sa gitna ng bangayan ng malalaking bansa. Mapapanood ang #Aplikante tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:15 sa One PH at 8:15 p.m. sa One News. #BilangPilipino2025 #News5 #newsph
news5everywhere
74
·4h ago
Sa programang #Aplikante, iginiit ng senatorial candidate at dating mambabatas na si #LizaMaza na puro krisis lang ang naidulot ng mga trapo at political dynasties sa bansa kaya dapat nang wakasan ang kanilang pamumuno. Ipinaalala rin niya ang kahalagahan ng track record sa pamumuno. Mapapanood ang "Aplikante" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:15 p.m. sa One PH at 8:15 sa One News. #BilangPilipino2025 #News5
news5everywhere
106
·4h ago
Sa gitna ng mga usap-usapan na naglabas na umano ang International Criminal Court #ICC ng arrest warrant laban sa kanya, iginiit ni dating pangulo Rodrigo Duterte na wala siyang kasalanan sa kabila ng libu-libong namatay sa kanyang war on drugs. #News5 #newsph
news5everywhere
19.3K
·7h ago
Ibinahagi ng isang pasaherong papuntang Vietnam ang naging experience niya sa NAIA Terminal 3 matapos umanong makitaan ng basyo ng bala ang kanyang handbag. Sa video, makikitang ininspeksyon ng isa sa mga security ang laman ng bag ng pasaherong si Ruth Adel, 69-anyos, at inilabas ang kanyang mga gamit. Ayon kay Ruth, nang walang makita ang nag-check na security, bigla aniya silang nagtalikuran at tinakpan ang kani-kanilang name tag. "Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pangmamaliit sa akin..grabe ang nerbiyos ko sa pangyayari at tumaas ang presyon ko. Hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin ang mga pangyayari sa akin," ayon sa Facebook post ni Ruth. Dati nang naging isyu ang tanim-bala modus sa naturang paliparan. Abangan ang buong kuwento sa Frontline Weekend ngayong Linggo, March 9, 5 p.m. #News5 #BreakingNews #NewsPH #Philippines
news5everywhere
44.8K
·9h ago
Sa panayam sa programang #Aplikante, sinabi ni dating senador Gringo Honasan na nais niyang bumalik sa Senado para ipagpatuloy ang mga naiwang niyang trabaho. Nanilbihan si Honasan sa Senado nang apat na termino at nanungkulan bilang #DICT secretary sa ilalim ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Mapapanood ang "Aplikante" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:15 p.m. sa One PH at 8:15 p.m. sa One News. #BilangPilipino2025 #News5 #newsph
news5everywhere
91
·9h ago
Sa programang #Aplikante, ibinahagi ni senatorial candidate Leandro Verceles Jr. ang kanyang plano na ilunsad ang artificial intelligence (AI)-based education sa bansa sakaling mahalal bilang senador sa #2025Elections. Naging kinatawan ng 2nd District ng Catanduanes si Verceles mula 1998 hanggang 2001. Matapos ang termino sa Kongreso, naging gobernador naman siya ng probinsya mula 2001 hanggang 2007. Mapapanood ang "Aplikante" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:15 p.m. sa One PH at 8:15 p.m. sa One News. #BilangPilipino2025 #News5 #newsph
news5everywhere
83
·9h ago